Lumayo ka man sa akin
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa rin titiisin
Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na
walang hanggan
Ay naglaho paglisan mo
mahal ko
'Pagkat saan
ka man naroroon
Pintig ng puso
ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang
aking damdamin
Nagmamahal pa rin
sa 'yo giliw
Limutin man kita'y
'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko
sayo'y lagi mong kasama
Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang
s'yang kasama
Sana ay 'di na natapos pa
Wala nang nais pang iba
Sa gabi'y naaalala
Nalulumbay pagkat wala ka
Ang yakap mo'y
aking inaasam
Sana'y maulit pang muli
mahal ko
Pagka't saan
ka man naroroon
Pintig ng puso
ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang
aking damdamin
Nagmamahal pa rin
sa 'yo giliw
Limutin man kita'y
di ko magawa
Hindi pa rin
ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sayo'y
lagi mong kasama
Tuluyan mang tayo'y
di magkita
Umaasa pa rin
ako sinta
'Pagkat mahal kita
manalig ka
Walang katulad mo
sa buhay ko
Ikaw lamang ngayon
Bukas kailanman
Naririto ako asahan mo
Ang pag-ibig ko sayo'y
lagi mong kasama
Ang pag-ibig ko sayo'y
lagi mong kasama





