Eto na naman
nakatapak sa daan
naghihintay ng dyip
na aking masasakyan
Ngayo'y wala ka na sinta
wala nang halaga
ang ako ay mapadpad
kahit saan
Woah
Eto na naman
palaboy-laboy lang
mukha mo'y hinahanap
sa bawat paglakbay
Kung bakit ba
ang nais mo'y
di ko pinagbigyan
Di sana ay
kasama ka pa sa daan
Sana'y magkasabay
sa paglakbay sana
Landas mo at
landas ko'y di na
nagkahiwalay
Isa lang ang ating daan
isa rin ang patutunguhan
kapag ang puso ang s'yang
pinagbigyan
O eto na naman
pagala-gala lang
nakatungtong sa bus
patungo ay di alam
Kung bakit ba
ang nais mo'y
di ko pinagbigyan
Di sana ay
kasama ka pa sa daan
Sana'y magkasabay sa
paglakbay sana
Landas mo at
landas ko'y di na
nagkahiwalay
Isa lang ang ating daan
isa rin ang patutunguhan
kapag ang puso ang s'yang
pinagbigyan
Isa lang ang ating daan
isa rin ang patutunguhan
kapag ang puso ang s'yang
pinagbigyan






