Aking nararamdaman
unti unti na yatang
lumalayo ang puso mo
Tuluyan na
yatang naglaho ang
iyong pangako
Tayo sa habang panahon
Ngunit sadyang ganyan
lang ang pag-ibig
Ang puso mo'y mayroong
sariling isip
Tanggap ko
na ako'y
hindi mo na mahal
Wala na ko sayo
Wag mo lamang
sanang ipagkait
ang aking pagsinta
aking nadarama sayo
Puso'y pilitin man
muling turuan magmahal
ika'y limutin
ngunit ikaw pa rin
Malinaw kong dapat gawin
masakit man to sa akin
Magpaalam palayain ka
Sadyang ganyan
lang ang pag-ibig
Puso mo'y mayroong
sariling isip
Tanggap ko
na ako'y
hindi mo na mahal
Wala na ko sayo
Wag mo lamang
sanang ipagkait
ang aking pagsinta
aking nadarama sayo
Anuman ang iyong dahilan
di na kailangan pa
lahat ay tanggap ko na
Ang tanging nais ko
sana tuluyan nang
lumigaya ka
Tanggap ko
na ako'y
hindi mo na mahal
Wala na ko sayo
Wag mo lamang
sanang ipagkait
ang aking pagsinta
aking nadarama sayo
mahal ko
Ang aking pagsinta
Aking nadarama sayo
