Noo'y umibig na ako
Subalit nasaktan
ang puso
Parang ayoko ng
umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan
muli ang puso ko
Ngunit nang
ikaw ay makilala
Biglang nagbago
ang nadarama
Para sa'yo
Ako'y iibig pang muli
Dahil sa'yo
Ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling
magmamahal sa'yo
Para lang sa'yo
Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang
nakaraa'y nalimot na
Ang tulad mo'y naiiba
At sayo lamang nakita
Ang tunay na pag-ibig
na'king hinahanap
Buti na lang
ikaw ay nakilala
Binago mo
ang nadarama
Para sa'yo
Ako'y iibig pang muli
Dahil sa'yo
Ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling
magmamahal sa'yo
Para lang sa'yo
Di na ako muling
mag-iisa
Gayung ikaw
ay nandito na
Para sa'yo
Ako'y iibig pang muli
Dahil sa'yo
Ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling
magmamahal sa'yo
Para lang sa'yo
Ako'y iibig pang muli
Para lang sa'yo
