Nais ko lang malaman mo
ang laman ng aking puso
baka di na mabigyan
ng ibang pagkakataon
na sabihin ito sayo
Di ko ito ginusto
na tayo'y magkalayo
ngunit di magkasundo
damdamin laging di magtagpo
Paalam na aking mahal
kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
na kahit nagmamahalan pa
puso't isipa'y magkaiba
Maaring di lang laan
sa isa't isa
Sana'y wag mong isipin na
pag-ibig ko'y di tunay
dahil sayo lang
nadama ang isang
pag-ibig na walang kapantay
Ngunit masasaktan lang
kung puso ang pagbibigyan
kahit pamamaalam
ang siyang bulong ng isipan
Paalam na aking mahal
kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
na kahit nagmamahalan pa
puso't isipa'y magkaiba
Maaring di lang laan
sa isa't isa
woah
Darating sa buhay mo
pagibig na laan sayo
at mamahalin ka niya
ng higit sa maibibigay ko
Paalam na aking mahal
kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
na kahit nagmamahalan pa
puso't isipa'y magkaiba
Maaring di lang laan
sa isa't isa
