Sa bawat yugto ng buhay
May wasto at may mali
Sa bawat nilalang
ay may bulag
May pipi at may bingi
Madilim ang yong paligid
Hating-gabing
walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo
sayo'y pinagkaitan
H'wag mabahala kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kasalanan
'Di nalalayo sa 'yo
ang tunay na mundo
Marami sa ami'y
nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig
minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad
na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit
Hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin
wala sayong pumapansin
Sampung daliri kaibigan
D'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang
Dakila ka sa sinuman
'Di nalalayo sa 'yo
ang tunay na mundo
Marami sa ami'y
nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig
minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad
na buhay na banal
Ano sayo ang musika
sayo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid
awitan ay 'di madinig
Mapalad ka o kaibigan
napakaingay ng mundo
Sa isang binging
katulad mo
walang daing walang gulo
'Di nalalayo sa 'yo
ang tunay na mundo
Marami sa ami'y
nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig
minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad
na buhay na banal
'Di makita 'di madinig
minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad
na buhay na banal






