Gaano kadalas
ang minsan lang
ka mahagkan
'Sing dalas na rin
ng dami ng bituin
waring
walang hanggan
Dahil sa labi
ko'y laging
mararamdaman
Kahit sandali
halik mo'y dumampi
minsan
Gaano kadalas
ang makapiling
kang minsan
Sa 'kin 'sing dalas
ng walang wakas
saglit mang
magpisan
Dahil sa ganoong
paraan lang
magiisa
Kung magsasanib
ang dalawang
dibdib di ba
Ngunit
kung pag-ibig ay
hindi rin lang wagas
Mabuti pa
mabuti nga
mabuti ang
hanggang maaga'y
magwakas
Pagkukunwari'y
itago man
ay lalabas
At minsan kang
matuklasan
hapdi'y walang
kasing dalas
Gaano kadalas
ang minsan mo
akong saktan
Kahit minsan lang
sa aki'y para bang
walang katapusan
Gaano kadalas
ba ang puso'y
namamatay
Gaano kadalas
gaano kadalas
ang minsan
Dahil ang
pag-ibig kung
hindi rin lang wagas
Mabuti pa
mabuti nga
mabuti ang
hanggang maaga'y
magwakas
Pagkukunwari'y
itago man
ay lalabas
At minsan kang
matuklasan
hapdi'y walang
kasing dalas
Gaano kadalas
ang minsan mo
akong saktan
Kahit minsan lang
sa aki'y para bang
walang katapusan
Gaano kadalas
ba ang puso'y
namamatay
Gaano kadalas
gaano kadalas
ang minsan
Gaano kadalas
gaano kadalas
ang minsan






