Sa ilog
ang mundo'y tahimik
Ako'y nakikinig
sa awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Na sana'y dumating
bago magdilim
Sa t'wina'y
kandungan n'yo ang duyan
Panaginip
na walang katapusan
Ang ilog
hantungan niya'y pangako
Ng inyong pagbabalik
Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim
Sa ilog
ang mundo'y may himig
'Di sana magpalit
ang awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Mata'y may ngiti
puso'y nananabik
Sa t'wina'y
kandungan niyo ay duyan
Panaginip
na walang katapusan
Ang ilog
hantungan niya'y pangako
Ng inyong pagbabalik
Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim
Ha
Sa ilog
Ha





