Karaoke Masdan Mo Ang Kapaligiran by ASIN — sing along with lyrics on Singa

Masdan Mo Ang Kapaligiran Karaoke

ASIN

LyricsMasdan Mo Ang Kapaligiran

Wala ka bang napapansin

sa iyong mga kapaligiran

Kay dumi na ng hangin

pati na ang mga ilog natin

Hindi nga masama

ang pag-unlad

at malayu-layo na rin

ang ating narating

Ngunit masdan mo

ang tubig sa dagat

Dati'y kulay asul

ngayo'y naging itim

Ang mga duming

ating ikinalat sa hangin

sa langit

'wag na nating paabutin

upang kung

tayo'y pumanaw man

sariwang hangin

sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling

sa aking pagpanaw

sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

upang sa ulap

na lang tayo magkantahan

Ang mga batang

ngayon lang isinilang

May hangin pa

kayang matitikman

May mga puno pa kaya

silang aakyatin

May mga ilog

pa kayang lalanguyan

Bakit 'di natin pag-isipan

ang nangyayari

sa ating kapaligiran

Hindi nga masama

ang pag-unlad

Kung hindi nakakasira

ng kalikasan

Darating ang panahon

mga ibong gala

ay wala nang

madadapuan

Masdan mo ang mga punong

dati ay kay tatag

Ngayon'y namamatay

dahil sa ating

kalokohan

Lahat ng bagay

na narito sa lupa

biyayang galing sa Diyos

kahit no'ng ika'y wala pa

Ingatan natin at

'wag nang sirain pa

'pagkat 'pag Kanyang binawi

tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling

sa aking pagpanaw

sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

upang sa ulap

na lang tayo magkantahan

Copyright owner
Cesar Banares, Lolita Carbon