Hanggang ngayon
ay alaala sa tuwinang
araw nating nagdaan
Ngayo'y muli
tayong nagkita
puso ko'y
anong sigla at saya
Ngunit bakit
ngayon lang nagkita
kung kailan tayong dalawa'y
kapwa di na pwede pang
magsama
Sayang na sayang talaga
dating pag-ibig na
alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
pagmamahal na di ko
makakamtan sa iyo
Damdamin ay
di maintindihan
puso ko'y
ikaw ang siyang sinisigaw
ngunit sadyang
di sa isa't isa
Bakit ba huli na
ng tayo'y muling nagkita
Kung maibabalik ang kahapon
sana'y di nagkawalay
alaalang nagdaan
di malimutan
Sayang na sayang talaga
dating pag-ibig
na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
pagmamahal na di ko
makakamtan sa iyo
Alam kong kapwa tayong
dalawa'y nakatali na
puso'y di mapigilan
ang sigaw
mahal pa rin kita
Sayang na sayang talaga
dating pag-ibig
na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
pagmamahal na
di ko makakamtan
Sayang na sayang talaga
dating pag-ibig
na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
pagmamahal na di ko
makakamtan sa iyo









