Ohh
Nakita kita
sa isang magasin
Dilaw ang 'yong
suot at buhok mo'y
green
Sa isang tindahan
sa may Baclaran
Nakatingin natulala
sa iyong
kagandahan
Naaalala mo pa ba
noong tayo pang
dalawa
'Di ko inakalang
sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo 'kong
walanghiya
Medyo pangit ka
pa noon
Ngunit ngayon
Hey
Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang
lahat sa'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang
dala kong pera
Pambili oh
Pambili sa mukha
mong maganda
Siguro ay may kotse
ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit mo'y gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka
na ring sumali
Sa Supermodel of the
whole wide universe
Kasi
Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang
lahat sa'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang
dala kong pera
Nakita kita
sa isang magasin
At sa sobrang gulat
'di ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dali-daliang binuklat
At ako'y namulat
sa hubad na katotohanan
Hey
Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang
lahat sa'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang
dala kong pera yeah
Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago nang
lahat sa'yo oh
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang
dala kong pera
Pambili oh
Pambili sa mukha
mong maganda
Nasan ka na kaya
Sana ay masaya
Sana sa susunod na issue
Ay centerfold ka na
Oh
