Sa gitna ng kagubatan
may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan
na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo't
sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus
kapag ikaw ay natuyo
Sa gitna ng kaguluhan
may kumukulong bulkan
'Di mapigil ang yabang
at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin
ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin
T'yak paiikutin ka
Ngunit hindi nila kayang
baliin ang iyong loob
Ang pag ibig
na hawak mo'y
hindi malulubog
Oh
ho ho ho
oh
ho ho ho
Ang mga tinig
palakas nang palakas
Hanggang gumuho
ang mga hadlang
Ang mga tinig
palakas nang palakas
Hanggang gumuho
ang mga hadlang
Sa gitna ng kadiliman
may buwitreng
nagmamasid
May magbabato ng putik
ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang
nahulugan ng candy
Lahat ng mga problema
sa iba'y sinisisi
Sa gitna ng kagubatan
may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan
na pinakamatalik
Leeg mo'y pupuluputan
dugo mo'y sisipsipin
Kapag wala ka
nang pakinabang
Ending mo ay sa bangin
Ngunit hindi nila kayang
baliin ang iyong loob
Ang pag ibig
na hawak mo'y
hindi malulubog
Lumiyab ka
Lumiyab
Lumiyab
Lumiyab
Sa ngalan ng katotohanan
Sa ngalan ng iyong dangal
Ang puso at iyong isipan
Ialay mo sa Maykapal
Saksi ang langit
sa lahat ng
naganap
Saksi ang langit
sa ikalawang
yugto
Lumiyab ka
Oh
ho ho ho
oh
ho ho ho
Ang mga tinig
palakas nang palakas
Hanggang gumuho
ang mga hadlang
Ang mga tinig
palakas nang palakas
Hanggang gumuho
ang mga hadlang
