Ooh ooh ooh
Ooh ooh ahh
Kapeng aking tinitimpla
lagi ngayong lumalamig
'Di ko malaman
kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo
sa 'kiy nakatitig
Ako't siya'y naghihintay
masagi nang iyong bibig
Buhok na mahaba
iniingat-ingatan mo
Noong isang linggo'y
pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang
ang aking isipan
at 'di ko napansin
at hindi pinutulan
Huwag kang mag-alala
'di ako iiyak
'di magdaramdam
kahit na gapatak
Pag-ibig na minsan
na ating dinanas
Sa tulad kong putik
tama na at sapat
Ooh ooh ooh
Pintong dati-rati bukas
sa aking pagdating
Ngayo'y nakasara
at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw
at ito ay katukin
kahit mahina pa
sana ay 'yong sagutin
Kay linis ng silid
walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y
walang naghahanap
Sanggol na nasanay
nasanay sa ama
Ngayo'y natutulog
kahit nag-iisa
Huwag kang mag-alala
'di ako iiyak
'di magdaramdam
kahit na gapatak
Pag-ibig na minsan
na ating dinanas
Sa tulad kong putik
tama na at sapat
Huwag kang mag-alala
'di ako iiyak
hindi magdaramdam
kahit na gapatak
Pag-ibig na minsan
na ating dinanas
Sa tulad kong putik
tama na at sapat
Sa tulad kong putik
tama na at sapat
Ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh
