Di mapigil
ang ngiti
pagsapit ng
dapit-hapon
Ulap ay minamasid
at tila
sumasang-ayon
Alaalang nagdaan
sa'king buhay
ang nasa isip ko
sa paglubog
ng araw
Tahan na
ang kulog ay
lilipas din
Tumahan ka
patulogin
ang lungkot
sa pagdampi
ng hangin
Kay dami mang
tanong
ang di mo
maunawaan
kay dalas mang
ikimkim
nang iyong
kalungkutan
Patawarin na
ang pag-ulan
ng mga luha
Bukas may liwanag
na sa'yong mata
Tahan na
ang kulog ay
lilipas din
Tumahan ka
patulogin
ang lungkot
sa pagdampi
ng hangin
Makikita din
ang araw
sa kaulapan
Mag-aasul din
Ang paligid ay
makukulayan
Tahan na
