Kahapon lamang
narito ang saya
May dalawang puso
daigdig na kay ganda
Sa kanilang mata
mababanaag pa
Ningning ng pagsinta
ukol sa isa'tisa
Kahapon lamang
ay magkahawak pa
Sa isang landasin
na ngayo'y nagsanga
Bagama't may ngiti
balatkayong saya
Magkabalikan pa kaya sila
Sa kanilang mata
mababanaag pa
Ningning ng pagsinta
ukol sa isa'tisa
Kahapon lamang
pagibig ay wagas
Animo'y batis
na di magwawakas
Ngunitbat naglayo
di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan
kapwa puso
Kahapon lamang
pagibig ay wagas
Animo'y batis
na di magwawakas
Ngunit bat naglayo
di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan
kapwa puso
