Kung gabi ang dilim
ay laganap na
At mata ng daigdig
ay nabulag na
Sa harap ng aking
wari'y kawalan
Init mo ang aking
nararamandaman
Parang apoy
ang init mo
sa magdamag
Saan man naroon
ay mayro'ng halik
Pagdampi sa iyo
ay nagdirikit
Sumisigaw ang
aking bawat sandali
Nadama pag-ibig mo
na kay sidhi
Parang apoy
ang init mo
sa magdamag
Kung langit
sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y
muling makakamit
Walang hanggang
pag-ibig na may
luha at tamis
Nasa'n ka
pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Saan man naroon
ay mayro'ng halik
Pagdampi sa iyo
ay nagdirikit
Sumisigaw ang
aking bawat sandali
Nadama pag-ibig mo
na kay sidhi
Parang apoy
ang init mo
sa magdamag
Kung langit
sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y
muling makakamit
Walang hanggang
pag-ibig na may
luha at tamis
Nasa'n ka
pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Kung langit
sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y
muling makakamit
Walang hanggan
pag-ibig na may
luha at tamis
Nasa'n ka
Nasa'n ka
pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag





