Tila inulan
ang puso ko
nang nanlamig
ang 'yong pagsuyo
Oh bakit nagbago
ang 'yong pagtingin
Parang malamig na
panahon
At nang ikaw ay
kinausap ko
habang ang ulan
ay bumubuhos
nakita ko sa 'yong mga mata
na gaganda ang panahon
Tila hihina rin
ang ulan
tila lilipas din
ang bagyo
Kahit madilim ang
kalawakan
may nagtatagong sinag
sa ulap
Mmmmm
Tila inulan
ang puso ko
nang parang naglaho
ang pag-ibig mo
Oh bakit ka kaya nagbago
Sinlamig ng panahon
Tila hihina rin
ang ulan
tila lilipas din
ang bagyo
Liliwanag din ang
kalangitan
at ang araw ay
sisikat nang
muli
Ang karimlan ay haharapin
matatanaw ko rin
bughaw na langit
Umaasang
pag-ibig mo ay
magbabalik
Pawiin mo ang lungkot
sa puso ko
kahit madilim
ang kalawakan
may nagtatagong
sinag sa ulap
Tila hihina rin
ang ulan
tila lilipas din
ang bagyo
Liliwanag din ang
kalangitan
at ang araw ay
sisikat nang
muli





