Ang suot niya
ay lumang-luma
at ang kanyang
mga mata'y malamlam
Banaag mo
sa kanyang mukha
ang kahirapan
Maghapon siya
sa mga daan
nanghihingi
ng kaunting tulong
at madalas
niyo s'yang hamakin
at libakin
Siya ay pulubi
hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
tao ring katulad niyo
At pagsapit ng dilim
wala man lang s'yang
matutuluyan
Sa lamig ng paligid
walang makublihan
Kailan niyo siya
kaaawaan
Kailan niyo siya
mauunawaan
'Pag ang lahat
ay huli na
siya'y lilimusan
Siya ay pulubi
hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
tao ring katulad niyo
Siya ay pulubi
hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
tao ring katulad niyo






