Kinukulayan ang isipan
pabalik sa nakaraan
huwag mo nang balikan
patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip
sa isang magandang larawan
paulit-ulit na binabanggit
ang pangalang nakasanayan
Tayo ay pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
sadyang mapaglaro
itong mundo
Kinalimutan kahit
nahihirapan
para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit
nahihirapan
mga oras na hindi
na mababalikan
pinagtagpo ngunit
hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa't isa
Hindi na maibabalik ang
dati nating pagsasama
ang tamis ng iyong halik
ay di na madarama
Pangako sa isa't isa
ay di na mabubuhay pa
Paalam sa ating pag-ibig
na minsa'y pinag-isa
Tayo ay pinagtagpo
ngunit hindi tinadhana
sadyang mapaglaro
itong mundo
Kinalimutan kahit
nahihirapan
para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit
nahihirapan
mga oras na hindi
na mababalikan
pinagtagpo ngunit
hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa't isa
Kinalimutan kahit
nahihirapan
para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit
nahihirapan
pag-ibig na
ating sinayang
pinagtagpo ngunit
hindi tinadhana
hanggang dito na
lang tayo
Kinalimutan kahit
nahihirapan
para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit
nahihirapan
mga oras na hindi
na mababalikan
Pinagtagpo ngunit
hindi tinadhana
puso natin ay hindi
sa isa't isa
