Nagsimula ang lahat
sa isang kanta
Bakit ngayon ka lang
sabay nagtagpo ating mata
Ilang beses humindi
buti ay di ako nakinig
Tadhana na ang
bumulong sakin
Di ba't sinabi sayo
ipaglalaban ko
Tahanan mo ako
di magbabago 'yon
At pag ika'y nawawala
tingin ka lang sa'king mata
Pagmamahal sayo
di mauubos 'yon
Lalabanan ko
lahat para sayo
Basta't nandito lang ako
sa tabi mo
Aaminin sayo
ang daming beses
na muntikang sumuko
Ngunit nakayanan ko
pagkat walang hanggan
ang pag-ibig niya
Tahanan mo ako
di magbabago 'yon
At pag ika'y nawawala
tingin ka lang sa'king mata
Pagmamahal sayo
di mauubos 'yon
Sabay natin na dadaanan
ang lahat
Hangga't sa dulo ng
ating pagmamahal
Hangga't sa kunin tayo
ng Maykapal
