Limang dipang taong
nagtutulakan
sa abenidang aking
napagdaanan
Nag-aabang
ng masasakyan
patungo kung saan
di ko malaman
Sa aking dyipning
sinasakyan
mayroong natanaw
na mama
sa dinami-rami ng nagdaraan
ikaw pa ang nakita
ikaw pa ang nakita
may kasamang dalaga
Para mama
dito na lang
bababa na ako
Para mama
dito na lang
heto ang bayad ko
Para na sabi
para na sabi
para mama
para na diyan sa tabi
Limang dipang taong
nagtutulakan
ang dinaanan ko
sa paghabol sayo
Tinatanaw
ang pag-akay mo
sa babaeng pinagseselosan ko
Sa pagmamadali
nadapa ako
sa bangketang
kinatatayuan nyo
Lumapit ka
at tinulungan ako
at kita'y tinitigan
mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong
naramdaman
Sorry mama
pasensya ka na
akala ko'y asawa kita
Sorry mama
pasensya ka na
sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi
sorry na sabi
sorry mama
sorry't napagkamalan ka
Limang dipang taong
nagtutulakan
sa abenidang aking
kinatatayuan
Nag-aabang
ng masasakyan
patungo kung saan
di ko malaman
Limang dipang taong
nag-uunahan
sa unting sasakyang
nagdaraan
Sayang ang dyipning
kanina'y lulan
at ngayo'y nagsisisi
sa aking pagbubusisi
malaking pagkakamali
Para mama
sasakay po
limang dipang taong
nag-uunahan
Para mama
sasakay po
limang dipang taong
nagtutulakan
Para na sabi
para na sabi
para mama
para na diyan sa tabi
para mama diyan sa tabi
Para na sabi
para na sabi
para mama
para na diyan
diyan sa tabi
sa tabi
Para





