Maaari ba muna natin
tong pag-usapan
Sa dami-rami na
ng ating pinagdaanan
ngayon mo pa ba
maiisipang isuko ang lahat
ng ating pinagsamahan
Masikip sa damdamin
hinigop ng hangin
ang lakas
pinanghihinaan nang wagas
Pwede bang pag-isipan
Huwag ka munang lumiban
baka sakali na ito
ay maisalba pa
Lumalamig ang gabi
hindi na tulad ng dati
May pag-asa pa ba
kung susuko ka na
Larawan mo ba'y
lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa
tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y
napagod na
Ikaw at ako ay alaala
na lang kung susuko ka na
Bawat pangarap
na ating pinag-usapan
pupunta na lang
ba ito sa wala
Hayaan mong ituwid ko
ang pagkakamali
Sa mga oras nato
alam ko ikaw ay lito
Lumalamig ang gabi
hindi na tulad ng dati
May pag-asa pa ba
kung susuko ka na
Larawan mo ba'y
lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa
tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y
napagod na
Ikaw at ako ay alaala
na lang kung susuko ka na
May pag-asa pa ba
kung susuko ka na
Larawan mo ba'y
lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa
tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y
napagod na
Ikaw at ako ay alaala
na lang kung susuko ka na
Ohh
Ohh
Ikaw at ako ay alaala
na lang kung susuko ka na
