Umiibig ako
sa isang nilalalang
na wala ng kalayaan
Sa batas ng tao
at sa batas ng Diyos
di ko siya
maaaring angkinin
Kapwa taos sa puso
ang aming pagsuyo
Di namin sinadyang
kami'y magkatagpo
Sumibol sa dibdib
bawal na pag-ibig
na maituturing kong
tanging ligaya ko
Umiibig ako
sa isang tao'ng
wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang
kami'y pinagtagpo
nang ating Maykapal
Umiibig ako
unang pag-ibig ko
bakit siya pa
o Diyos ko
Sadya bang ganito
ang umibig ng tapat
luha ang dulot nito
Kahapon kagabi
kami ay nagkita
upang wakasan ang lahat
Kapwa lumuluha
kay hapdi ng sugat
ngunit wala kaming
magagawa
Paano kong lilimutin
suyuang kay lambing
na sa kanya ko lang
natagpuan
Hahanaphanapin ko
halik n'yang kay tamis
at mga yakap
na anong higpit
Umiibig ako
sa isang taong
wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang
kami'y pinagtagpo
nang ating Maykapal
Umiibig ako
unang pag-ibig ko
bakit siya pa
o Diyos ko
Sadya bang ganito
ang umibig ng tapat
luha ang dulot nito
