Oh eto
ka na naman
umiiwas ng tingin
Laging nakatanaw
sa mga tala't
nakadungaw
sa bintana
Kailan mo
ba magagawang
Italiwas sa dilim
ang natatanging
kagandahang
Nababalot ng
hiwagang humalina
sa akin
Kahit na ika'y
hindi ko
maintindihan
Nais masilayan ang
iyong mga
matang puno
ng lihim at ng kislap
Mananatili na
nga lang bang
isang estranghero
O pagbibigyan
ang puso kong
natotorete sa 'yo
Hindi alam
kung bakit ba
'ko nabighani
sa iyo
Hindi alam
kung bakit
ba gan'to
kahit na
alam kong
Mukhang wala
rin naman itong
patutunguhan
At kahit pa
ilaan lahat
ng oras sa 'yo
Hindi titigil
hanggang ako
na ang dahilan
Ng 'yong ngiting
misteryoso
Oh araw-araw na lang
Akong bumubulong
sa hangin
Ilang awit pa ba
ang isusulat
Wala na bang
hangganan
Kailan mo ba
mapapansin
Nais masilayan ang
iyong mga matang
puno ng lihim
at ng kislap
Mananatili na
nga lang bang
isang estranghero
O pagbibigyan
ang puso kong
natotorete sa 'yo
Hindi alam kung bakit
ba 'ko nabighani sa iyo
Hindi alam
kung bakit
ba gan'to
kahit na
alam kong
Mukhang wala
rin naman
itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat
ng oras sa 'yo
Hindi titigil
hanggang ako na
ang dahilan
Ng 'yong ngiting
misteryoso
Mga mata'y
nagkatagpo
habang naglalaban
ang hiwaga ng liwanag
at ng dilim
Ngayong biglang
napagtanto
na ikaw na rin pala
ay narahuyo
'Di maipaliwanag
kung bakit nabighani
sa iyo
Walang rason
walang pero
basta ito ay totoo
'Di akalaing
makakapiling ko
ang isang katulad mo
Tila isang engkantong
laging hina
hanaphanap ko
Oh giliw tanging ikaw
ang patutunguhan
Kahit pa salungat
ang aking oras sa 'yo
'Di makapaniwalang
ako na ang dahilan
Ng 'yong ngiting
misteryoso
Da-ram
da-ra-ra-ram
Misteryoso
O-oo
o-o-o-oo
Misteryoso
